Manila, Philippines – Pinalalagay na ng Energy Regulatory Commission o ERC sa buwanang bill sa kuryente ang bill deposit ng mga consumer.
Ayon kay Atty. Rexie Baldo-Digal, tagapagsalita ng ERC, magsasagawa sila ng mga public consultation hinggil rito.
Aniya, ipapasama rin nila sa bill maging ang naipong interes ng consumers sa buong bansa.
Sabi naman ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco na handa silang sumunod sa utos na ito ng ERC.
Batay sa desisyon ng Ombudsman, nasa P26.5 bilyon na ang bill deposit mula 2016.
Pero batay sa kwenta ng National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECOR), nasa mahigit P61 bilyon pa dapat pa ito.
Facebook Comments