MANILA – Inihain ni Senador Sonny Angara ang Senate Bill 59 o ang Bill of Rights for New Graduates na magpapagaan sa mga hinaing ng mga kabataang bagong graduate sa kolehiyo habang sila ay naghahanap ng mapapasukang trabaho.Nakapaloob sa nasabing panukala ang mga nakalaang suporta ng gobyerno sa loob ng isang taon sa mga bagong graduate ng kolehiyo mula sa mga unibersidad at iba pang rehistradong institusyon na may mga technical at vocational courses.Itinatakda ng panukala na lahat ng bagong college grads ay magiging sponsored members ng Social Security System, PhilHealth at Pag-ibig, nang walang babayarang anumang kontribusyon sa loob ng isang taon.Magsisimula ang sistemang ito mula sa araw ng kanilang pagtatapos.Iniaatas din ng panukala na malibre angmga bagong grduates sa pagkuha ng kakailanganing mga dikumento sa pagaaplay nila ng trabaho tulad ng NBI at police clearance, birth certificate, passport, tax identification number (TIN).Ipinaguutos din ng panukala na magsisilbing one-stop-shop sa pgsecure ng nbanggit na mga dokumento ng mga bgong gradutaes ang Public Employment Service Office o PESO na nakatalaga sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa bansa.Maliband ito, ay hindi n rin oobligahing mag-exam para civil service eligibility ang mga estudyanteng kabilang sa top 10 percent ng kanilang kolehiyo sa akaling mapagdesisyunan ng mga ito na magsilbi sa gobyerno.
Bill Of Rights Para Sa Mga Bagong Graduate, Isinulong Ng Isang Senador
Facebook Comments