Billiard Legend na si Efren Bata Reyes, umaasang makakapag-uwi ng gintong medalya sa Sea Games

Sasabak si Filipino Pool Legend Efren “Bata” Reyes sa tatlong Carom Men’s Singles sa 30th Southeast Asian Games.

Ang Carom ay tinatawag ding ‘French Billiards.’

Ayon kay Reyes, hindi hadlang ang kataandaan at injury sa kanang balikat at umaasang makakapag-uwi siya ng gintong medalya.


Itinanggi rin ni Reyes na magreretiro na siya sa kanyang sport.

Si Reyes ay four-time World 8-Ball Champion, three-time US Open Champion at one-time 9-Ball Tournament Champion.

Mayroon nang 70 International Titles si Reyes at nanalo ng 14 na beses sa Derby City Classic.

Facebook Comments