Nagpapasalamat kahit papaano ang ilang magsasaka at mga mangingisda dahil nasagip ang kanilang produkto bago manalasa ang Bagyong Ulysses.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), aabot sa P5.48 bilyon ang agriculture products ang maagang naani sa Cordillera Administrative Region and Regions II, III and IV-A tulad na lang ng 6,758 metric tons ng mais o katumbas ng 85.62 milyong piso
Sinabi ng DA na malaki ang naitulong ng PAGASA dahil na bantayan nila ang kilos ng bagyo kaya’t nakipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan at mga magsasaka.
Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang report ng mga regional office para matukoy ang pinsala sa mga pananim.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
1. Kabuuang 104,544 bags ng palay; 10,223 bags mais, and 1,149 kilograms ng mga gulay
2. Drugs and biologics for livestock at poultry;
3. Survival and Recovery (SURE) Loan Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC); at
4. Indemnification fund mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)