Manila, Philippines – Inilatag ngayon ng Palasyo ng Malacañang ang mga proyektong inaprubahan sa naganap na National Economic Development Authority o NEDA Board Meeting nitong nakalipas na Martes dito sa Malacanang na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Assistant Secretary Ana Marie Banaag, 11 infrastructure projects ang inaprubahan ni Pangulong Duterte.
Ilan lamang sa mga ito ay ang:
• Mindanao Railway Project (MRP) Phase 1 na nagkakahalaga ng 35.26 billion Pesos. Sa Pamamagitan ng Local Financing
• The Malolos-Clark Railway Project (PNR North 2) na nagkakahalaga ng 211.43 billion Pesos mula sa Official development Assistance o ODA
• Clark International Airport (CIA) Expansion Project. Na nagkakahalaga ng 12.55 billion Pesos sa pamamagitan ng local financing at operations and maintenance for Public-Private Partnership or PPP.
• Education Pathways to Peace in Conflict-Affected Areas of Mindanao na may budget na 3.47 billion Pesos gamit ang ODA.
• New Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) Systems Development Project na nagkakahalaga ng P10.87 billion Pesos sa pamamagitan ng ODA financing.
• New Configuration of the LRT Line 1 North Extension Project – Common Station /Unified Grand Central Station at 2.8 billion Pesos gamit ang local financing.