Bilyong-bilyong piso, nareremit ng mga POGOs sa bansa kada taon – PAGCOR

Sa loob ng 2 taon, aabot na sa 12 bilyong piso ang naremit ng mga POGOs sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo sa harap na rin ng mainit na issue patungkol sa Offshore Gaming sa Pilipinas.

Kung maaalala, banta umano sa seguridad ang pagsulputan ng mga POGOs sa bansa.


Bagay na kinontra ni Domingo at ipinaliwanag na base sa kanyang karanasan bilang dating Intelligence Officer at Commissioner ng Bureau of Immigration,  kumpyansa siya na wala itong security threat.

Sa ngayon, 58 ang POGOs sa Pilipinas na ang ilan ay malapit sa base military,

Samantala, sinabi rin ng opisyal na nakausap na niya si DND Secretary Delfin Lorenzana patungkol sa nasabing isyu kasabay ng pagtiyak na patuloy ang kanilang pag-regulate sa mga POGOs sa bansa.

Facebook Comments