Bilyong halaga ng itinambak na gamot ng DOH, iimbestigahan ng kamara

Hinihiling sa House Committee on Health na imbestigahan ang overstocking o pagtatambak lamang ng Department of Health (DOH) sa bilyong halaga ng mga gamot na binili ng ahensya.

Sa inihaing House Resolution 145 na inihain ni Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, iginiit nito ang negligence o kapabayaan ng ahensya sa overstocking ng gamot.

Pagbibigay-diin ng mambabatas, nakababahala ito dahil hindi


naman maikakaila na maraming lugar at mga kababayan natin ang nagrereklamo sa kakulangan ng suplay ng medisina na kinakailangan nila.

Base sa impormasyong nakalap ni Defensor, mula taong 2015 hanggang December 31, 2018, aabot sa P18.449 Billion ang halaga ng mga gamot na binili ng DOH subalit may mga pagkakataon na hindi ito naipamamahagi kaagad sa iba’t-ibang government hospitals at health centers.

Nakadiskubre pa ang Commission on Audit (COA) ng P294.767 Million na halaga ng gamot na naexpire lamang sa mga warehouses.

Irerekomenda rin sa imbestigasyon ang pagpaparusa sa mga mapapatunayang nasa likod ng kapabayaan na ito ng ahensya.

Facebook Comments