Bilyong pisong halaga ng agri products, napinsala dahil sa mga palpak na flood control projects —DA

Malaki ang epekto ng mga palpak na flood control projects ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Sec. Arnel de Mesa, apektado ng mga pagbaha dahil sa mga hindi maayos na flood control projects ang mga sakahan at mga taniman ng gulay.

Aniya, habang tumatagal kasing nakababad sa baha ang mga palay at mga tanim na gulay at mas matagal din ang recovery ng mga ito.

Kaya mahalaga aniyang maayos ang mga flood control project at ang iba pang solusyon dito ay ang mga dam at water impounding projects.

Marami na aniyang ginagawang ganitong istruktura ang pamahalaan para maipon ang tubig at maiwasan ang pagbaha.

Una nang sinabi ng DA na nasa P3 billion ang iniwang danyos sa agrikultura ang iniwan ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong noong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments