Bilyong pisong katiwalian sa importasyon ng baboy, ibinunyag ni Senator Lacson

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang napag-alaman nya mula sa loob ng Department of Agriculture na may kumukulekta umano ng “tong-pats” na 5 hanggang 7 pesos sa bawat kilo ng inaangkat na baboy.

Sa impormasyon ni Lacson, nakakapagbigay ng ganitong “tong-pats” ang mga pork importer dahil aabot sa P44.64 ang kanilang kita sa bawat kilo ng baboy na naibebenta nila sa halagang 284 pesos kada kilo.

Ayon kay Lacson, kung matutuloy ang rekomendasyon ng DA na itaas sa 400-milyong kilo ang aangkating baboy at ibaba ang taripa sa 5 hanggang 10 percent ay tiyak madodoble ang “tong-pats” ng ilang tiwali sa ahensya.


Sabi ni Lacson, dito ay maaring makalikom ng 4-6 billion pesos na tong-pats ang masusuwerte sa loob ng DA.

Kaugnay nito ay nananawagan si Lacson sa Presidential Anti-Crime Commission na imbestigahan ang nabanggit na korapsyon.

Facebook Comments