Bilyong pisong kinolekta ng Manila Water para sa Cardona Water Treatment Plant, ipinapa-audit ng Kamara

Hiniling ni Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na i-audit ang bilyong pisong kinolekta ng Manila Water para sa pagtatayo ng Cardona Water Treatment Plant.

 

Pinamamadali ni Herrera-Dy sa MWSS ang pag-audit sa ipinataw ng Manila Water na water charges sa mga consumers partikular ang mga nasingil mula 2008 hanggang 2016.

 

Kinukwestyon ng Kongresista saan napunta ang kinolektang charges para sa water treatment plant na hindi naman gumagana.


 

Sinimulan aniya ang koleksyon para sa Cardona Water Treatment Plant noong 2008 pero 2016 lamang naumpisahan itong itayo at long overdue na ang pagtatayo ng nasabing facility.

 

Mistula aniyang consumers pa ang nagpautang sa Manila Water para sa pagtatayo ng Cardona water treatment plant sa halip ‘cost recovery’ o dapat ay tapos na itong itayo bago kumulekta sa publiko.

Facebook Comments