Inapubrahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order na nagkakahalagang P1 bilyon para sa Marawi Siege Victims Compensation ngayong taon.
Ang alokasyon na ito ay magbibigay ng kompensasyon para sa 574 benepisyaryo, partikular sa mga nasirang ari-arian at mga death claim.
Binigyang-diin ng kalihim na ang kahalagahan ng pagpapalabas ng pondo ay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mabigyang tulong ang mga naapektuhan ng labanan.
Ang tulong pinansyal na ito, na nakalaan para sa mga biktima ng krisis sa Marawi noong 2017, ay naglalayong ipagpatuloy ang pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng lungsod.
Sakop ng kompensasyon ang mga claim para sa mga tuluyan at bahagyang nawasak na istruktura, gayundin para sa mga binawian ng buhay noong panahon ng labanan.