Bilyong pondo ng bayan, nasasayang dahil sa direktiba ng COA, ayon sa opisyal ng DILG

Ibinulgar ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government o DILG na nasasayang umano ang pondo ng bayan dahil lamang sa ipinalabas na direktiba ng Commission on Audit o COA.

Ayon kay DILG Under Secretary for Barangay Affairs Martin Diño, bilyong piso umano ang nasasayang lamang dahil sa ipinalabas na direktiba ng COA noong taong 2012 kung saan tanging ang barangay chairman na lamang ang mag-otorisa ng pag encash ng pera sa bangko base sa pinirmahan ng COA.

Paliwanag ni Diño, mistulang tinanggalan ng poder ang mga barangay kagawad na magkaroon ng check and balance dahil sa bagong inilabas nitong kautusan na kung saan hindi na kailangan ang lagda ng pitong kagawad at tanging ang kapitan na lamang mag-otorisa sa kanilang Barangay Treasure para mailabas ang pera ng barangay.


Pinaliwanag ni Diño, ang scheme na ito ay nagbunsod ng kurapsyon sa hanay ng mga barangay kapitan na sabwatan ang baranagay treasurer kung saan pinipeke nila ang mga liquidation papers ng perang inilabas gamit ang mga pekeng resibo, pinulot na resibo na isang panlilinlang accounting and auditing rules at kung minsan mayroon umanong sabwatan sa pagitan ng mga mamahala sa accounting sa pamahalaan ng panglunsod at ng panlalawigan.

Mungkahi ni Diño batay sa sulat na ibinigay ni DILG Secretary Eduardo Año sa COA na ibalik na ang lumang scheme upang mapangalagaan at mabantayan ng mabuti ang pera ng mga tax payers.

Facebook Comments