Bilyong utang ng PhilHealth sa mga ospital, magdudulot ng ‘brain drain’ sa healthcare workers

Nag-aalala si Senator Joel Villanueva na magdulot ng malaking kahirapan sa mga pagamutan na mapanatili ang kanilang mga healthcare workers dahil sa pagka-antala sa pagbabayad ng utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pribadong ospital.

Para kay Villanueva, isang usaping trabaho ang kabiguan ng PhilHealth na agad ibigay ang reimbursement ng mga ospital.

Punto ni Villanuea, ang PhilHealth dapat ang maging dahilan para manatili sa mga ospital sa bansa ang mga health workers at hindi ang mitsa ng kanilang pag-alis.


Binanggit pa ni Villanueva na nataon pa ang pagsablay ng PhilHealth sa panahon ngayon na madaming recruiter sa ibang bansa na naghahanap ng talento ng Pilipino sa larangang medikal.

Babala ni Villanueva, kapag nabawasan ang healthcare workers sa mga ospital ay tiyak ang publiko ang mas mahihirapan dahil sa kakulangan ng mag-aalaga sa kanila.

Giit ni Villanueva, sa panahon ng pandemya na dapat ‘all hands-on deck,’ ay responsibilidad ng PhilHealth ang siguruhing maayos na nag-o-operate ang mga frontlines.

Facebook Comments