BINABALAK | Gobyerno – balak na ring mag-angkat ng asukal sa ibang bansa

Manila, Philippines – Balak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng asukal.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng raw at refined sugar dahil sa pagbaba ng produksyon ngayong taon.

Nabatid nitong Hunyo 19, lumobo ang presyo ng raw (brown) sugar hanggang sa P54.15 kada kilo mula sa dating P47 noong Setyembre 2017.


Habang ang presyo naman ng refined sugar ay tumaas sa P64 mula sa dating P53 sa kaparehas na period.

Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica – ang pag-angkat ng asukal sa ibang bansa ay isa sa nakikita nilang paraan para bumaba ang presyo nito.

Samantala, sa kabila ng 15 percent na pagbaba sa local sugar production ngayong buwan, tumaas naman ng 13.64 percent ang demand sa raw sugar habang 20.14 percent sa refined sugar.

resulta ito ng P12 per liter na buwis na ipinataw sa mga sugar beverages sa ilalim ng TRAIN law.

Facebook Comments