BINABALAK | Mga nasalanta ng bagyong Rosita gustong puntahan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Balak bumisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyong Rosita kahapon partikular ang Mountain Province.

Nabalita kasi na gumuho ang gusali ng Department of Public Works and Highways sa nasabing Mountain Province kung saan sinasabing 30 tao ang nalibing ng buhay.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, nakausap niya kagabi si Pangulong Duterte at naghayag aniya ito ng kagustuhang bisitahin ang mga nasalanta ng bagyo bukas o sa lalong madaling panahon.


Sinabi din ni Panelo na 12 heads of agencies ang gustong makasama ni Pangulong Duterte sa pagbisita sa mga lugar na nasalanta ng bagyo kung saan layon ng Pangulo na malaman ang naging pinsala ng mga lugar at kung ano ang mga pangangailangan ng mga residente ng mga ito.

Facebook Comments