Binabalangkas na IRR para sa Universal Healthcare Law, nasa tamang direksyon

53

Kuntento si Committee On Health Chairman Senator JV Ejercito sa itinatakbo ng pagbalangkas sa implementing rules ang regulations o IRR para sa Universal Health Care law o UHC.

 

Masaya si Ejercito dahil sa ngayon ay natapos na ng Technical Working Group level ang“preliminaries” para sa IRR na inaasahang matatapos sa hunyo o kaya ay hulyo.

 

Ayon kay Ejercito, kinabibilangan ito ng Local Health Systems, Health Financing, Governance, at  Regulations and Service Delivery.

 

Sa UHC ay otomatikong sasaklawin ng National Health Insurance Program ang mga Pilipino kaya magiging libre na ang kanilang check-ups at piling laboratory test.

 

Facebook Comments