BINABANTAYAN | 80 percent ng mga pulis sa Maynila, pasok sa watch list ng PNP-CITF dahil sa iligal na droga

Manila, Philippines – 80 percent sa halos isang daang pulis ang nasa watchlist ng Philippine National Police-Counter-Intelligence Task Force dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde – 77 sa 96 na mga pulis sa Metro Manila ang binabantayan nila dahil sa illegal drug activities ng mga ito.

Pero iginiit naman ni Albayalde na nagpapatuloy ang beripikasyon sa mga ito at hindi malayong tumaas o mabawasan pa ang nasabing bilang.


Ang mga nasa watchlist ng NCRPO ay may mga ranggong police officer 1 at naka-assign sa Maynila, Quezon City at Southern Police District (SPD).

Dagdag ni Albayalde na bahagi ito ng paglilinis sa kanilang hanay at alisin ang mga hindi gumagawa ng mabuti.

Facebook Comments