BINABANTAYAN | Bagong LPA, papasok sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Kahit nakalabas na ang Bagyong Urduja, isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito sa layong 1,290 kilometers silangan ng Mindanao.

Posibleng pumasok ito sa PAR ngayong araw at mamuno bilang isang tropical depression na papangalanang Vinta.


Kung hindi magbabago ang forecast track nito ay posibleng mag-landfall ito sa Davao Oriental sa Biyernes.

May posibilidad na lumakas ang LPA sa isang tropical storm.

Pinag-iingat naman ang Visayas at Mindanao sa paparating na sama ng panahon lalo’t basa pa ang lupa.

Ang Luzon naman ay kasalukuyang apektado ng tail-end of cold front.

Sa oras naman na humina ang amihan, asahan ang unti-unting pagganda ng panahon.

Baguio City – 17°C
Metro Manila – 25°C
Tagaytay City – 22°C

Sunrise: 6:15 ng umaga
Sunset: 5:31 ng hapon

Facebook Comments