BINABANTAYAN | Isa na namang coastal water sa bansa, kontaminado ng red tide toxin – BFAR

Biliran – Binabantayan ngayon Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isa na namang coastal water sa bansa ang nadiskubre ng kontaminado ng red tide toxin.

Base sa latest laboratory results ng BFAR at Local Government Units, nakitaan na positibo sa paralytic shellfish poison na higit sa regulatory limit ang mga shellfish o lamang dagat sa coastal waters ng Biliran Province.

Dahil dito pinayuhan na ng BFAR ang publiko na bawal na ang paghango, pagbenta, at pagkain ng mga shellfish tulad ng tahong, tulya, alamang at iba pang uri ng lamang dagat sa natukoy na karagatan.


Bukod dito, kontaminado pa rin sa red tide toxin ang Irong-Irong Bay sa Western Samar; coastal waters ng Leyte at Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Honda Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; at coastal waters ng Milagros sa Masbate.
<#m_-4202467701108496833_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments