Nagsagawa ng isang pagpupulong ang Provincial Veterinarian ng Pangasinan kasama ang poultry integrators at stakeholders upang kunin ang hinaing o panig ng naturang sektor ukol sa mga nasabing sakit upang ito ay mabigyang pansin.
Matatandaan na nagkaroon ng outbreak sa Bulacan at Pampanga dahilan upang magbaba ng direktiba ang gobernador ng lalawigan sa pagbabawal ng pagpasok ng mga love ducks at quails sa Pangasinan upang masiguro na ligtas ang mga local growers ng itik at pugo.
Nilinaw naman ni Provincial Veterinarian Jovito Tabajeros na nanatiling bird flu-free ang lalawigan ngunit may naitalang kaso ng Newcastle Disease sa bayan ng Labrador.
Dahil dito, paiigtingin ng OPVet ang monitoring at pagtitibayin ang pakikipag ugnayan sa mga poultry integrators at stakeholders maging sa mga lokal na pamahalaan nang mapabilis ang pag-agapay sa anumang problemang maaaring kaharapin ng naturang sektor.
Dagdag ng Opisyal na magkaroon din ng information dissemination upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mamamayan.
Nanawagan din ng suporta ang naturang sektor sa mga municipal agriculturist, market supervisors, livestock at meat inspectors upang masigurong ligtas at malinis ang poultry meat sa merkado. | ifmnews