Mula sa Search, Rescue at Recovery ay itinuon na ng Philippine National Police ang kanilang atensyon sa Relief and Rehabilitation Operations.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kailangan nilang bantayan ang pagbabalik sa normal na buhay ng mga naging apektado ng Bagyong Ompong.
Kasama aniya sa kanilang babantayan ay ang implementasyon ng Fair Trade Act na ipinatutupad ng Deparment of Trade and Industry.
Ito ay upang masiguro na hindi sasamantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon at magtaas ng presyo ng mga pangunahing Bilihin.
Si Gen. Albayalde kasama sina Police Director Jose Maria Victor Ramos ng Directorate for Logistics at Sec Harry Roque ay magkakasama kaninang Lumipad sakay ng PNP Chopper at hahanap ng landing site malapit sa Itogon Landslide.