Manila, Philippines – Pumasok na ng Philippine Area of Responsibility ang namataang Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa 510 kilometers Silangan-Timog Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sa ngayon, mababa pa rin ang tyansa nito na maging bagyo.
Inaasahang dadaan ito sa Visayas at kanlurang bahagi ng Southern Luzon.
Asahan ang pag-uulan sa tanghali sa Mindanao lalo na sa Zamboanga Peninsula Soccsksargen at ARMM.
Sa buong Visayas, ngayon umaga pa lamang ay may pag-ulan na.
Ang Bicol Region lamang ang uulanin sa Luzon habang makakaranas ang central at southern part pagdating ng hapon o gabi.
Sa Metro Manila, mataas ang posibilidad ng pag-ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celcius.
Sunrise: 5:45 ng umaga
Sunset: 5:50 ng hapon