Binabantayang LPA posibleng maging bagyo

Mataas ang tiyansang maging bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang LPA na sa 610 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA ay posibleng maging bagyo ito sa Huwebes pero hindi inaasahang tatama ng bansa.


Pero palalakasin ng LPA ang hanging habagat.

Kaya asahan ang maulang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila.

Sa Visayas, lalo na sa kanlurang bahagi ay magiging madalas na ang pag-ulan.

May malalakas na pag-ulan sa Northern Mindanao.

Sunrise: 5:29 ng umaga

Sunset: 6:28 ng gabi

Facebook Comments