Binabantayang LPA, posibleng pumasok sa PAR bukas ng hapon o gabi

Ramdam na sa buong bansa ang northeast monsoon o hanging amihan.

Ibig sabihin, umabot na sa Mindanao ang malamig na panahong dala nito.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – kaya asahan ang magandang panahon sa buong bansa.


Pero bitbit din ng amihan ang mga pulu-pulong mga pag-ulan.

Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 2,395 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Inaasahang papasok ito bukas ng hapon o gabi.

Facebook Comments