Inaasahang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo ang bagong binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatawaging ‘Fredie’ oras na maging bagyo.
Sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Ana Clauren-Jorda na hindi inaasahang direktang makakaapekto ito sa bansa.
Ngunit palalakasin nito ang Southwest Monsoon o hanging habagat na muling magpapaulan sa Luzon kabilang ang National Capital Region (NCR).
Bukod dito, sinabi rin ni Jorda na mayroong din isa pang namuong LPA na binabantayan ng PAGASA na posibleng pumasok sa PAR sa kalagitnaan ng Setyembre.
Bukas naman inaasahang gaganda na ang lagay ng panahon at sisikat na ang araw pero makararanas pa rin ng mga localized thunderstorm sa hapon o gabi.