BINAGYONG MANGROVE AREA SA LUCAO, DAGUPAN CITY, ISINAILALIM SA MALAWAKANG PAGLILINIS

Matapos ang pagtama ng Super Typhoon Uwan noong nakaraang linggo, hindi lamang mga istruktura at establisimyento ang naapektuhan sa Dagupan City, kundi pati mga yamang kalikasan.

Kabilang dito ang mga mangrove trees sa Barangay Lucao na nagsisilbing tirahan ng mga isda, kung saan ilang puno ang natumba dahil sa malalakas na hangin at storm surge.

Ayon sa barangay, tinatayang kabuuan na ang natapos ang clearing operations na sinimulan noong Nobyembre 10 upang linisin at ayusin ang mga katubigan ng lugar.

Wala namang naitalang casualty sa lungsod batay sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Gayunpaman, ilang kabuhayan ang naapektuhan dahil sa natumbang mga puno at biglaang pagtaas ng tubig sa kasagsagan ng bagyo.

Facebook Comments