Manila, Philippines – Sa opisyal na pag-upo ni PSSupt Vicente Dupa Danao Jr, bilang bagong District Director ng Manila Police District, agad itong nagbigay ng babala sa mga pulis Maynila na masasangkot sa katiwalian.
Huwag na aniyang subukan na maging kaisa ng police scalawags, dahil sa ilalim ng kaniyang panunugkulan, paiiralin niya ang batas para sa disiplina sa kanilang hanay.
Huwag na rin aniyang subukan pang gumawa ng katiwalian dahil maaaring buhay pa, ang maging kapalit.
Ayon kay Danao, itinuturing niya bilang isang hamon ang pagupo niya bilang District Director ng MPD, dahil sa pinakahuling kontrobersiya ngayon na kinasasangkutan ng kanilang kabaro.
Gayunpaman, gagawin niya ang kaniyang makakaya upang maging ligtas ang mga residente at turista sa Maynila, tulad na lamang ng pagpapaigting ng police visibility sa lungsod.
Si Danao ay dating Dept Dir for Operation ng CIDG, at una na ring naglingkod sa Davao City