BINALAAN | BI, nagbabala sa mga dayuhang fugitives

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration sa mga dayuhang fugitives na nagtatago sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa isang Japanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapalsipika ng mga dokumento ng mga ibinibentang lupain.

Si Misao Koyama, 59, ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Tokyo Interpol at Immigration Fugitive Search Unit sa Makati City.


Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, masusi silang nakikipag-ugnayan sa law enforcement agencies at sa foreign counterparts para matukoy at mahuli ang mga dayuhang fugitives.

Nagbabala si Morente na hindi makakalusot sa kanila ang mga dayuhang tumatakas sa kanilang kaso sa kanilang mga bansa.

Facebook Comments