Albay, Philippines – Inaasahang uulan sa mga susunod na araw sa Bicol region dulot ng Bagyong Basyang na pumasok na sa Philippine area of Responsibility kagabi.
Pero ayon kay Dr. Ezperanza Cayanan, chief ng weather division ng PAGASA, hindi malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bicol region kumpara sa mga lugar na sentro ng bagong Basyang
Pero kung magtatagal aniya ang ulan at kapag may portion na makakaranas ng thunderstorm ang Bicol region maari itong magdulot ng lahar flow.
Batay kasi aniya sa statistics ng Bicol kapag umabot sa 20 millimeters sa isang oras ang buhos ng ulat nagreresulta ito ng lahar flow.
Kaya naman ito ang kanilang binabantayan ngayon.
Nagbabala rin sila mga taga-Bicol region partikular sa mga nakatira malapit sa bulkang Mayon na magingat at maging alerto pa rin sa harap ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.