BINALAAN | Duterte – nagbabala sa mga grupong bina-back up-an ng leftist

Manila, Philippines – Tinawag na “spoiled brat” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang grupo.

Sa kanyang talumpati sa Malacañan, binalaan ng Pangulo ang mga “leftist” na magdahan-dahan sa ginagawa nilang pagkilos laban sa gobyerno.

Nagbabala rin siya sa grupong kadamay na tigilan na ang pang-aagaw ng mga pabahay na nakalaan sana sa mga pulis at sundalo.


Hindi raw kasi niya nagustuhan ang umano ay pagbebenta at kung minsan pa ay ginagawang paupahan ng mga miyembro ng kadamay ang mga inokupahan nilang unit sa Bulacan.

Bukod dito, nabanggit din ng Pangulo ang insidente sa Sagay, Negros Occidental kung saan inokupahan din umano ng mga magsasaka ang lupa sa Hacienda Nene sa tulong na rin ng New People’s Army.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte – handa niyang ipusta ang kanyang pagkapangulo at buhay mapanatili lang ang kaayusan sa bansa.

Facebook Comments