Manila Philippines – Binalaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Energy Regulatory Commission Chairman Agnes Devanadera na maaari itong maparusahan dahil sa hindi pagpapatupad ng suspensyon sa apat na commissioners ng ahensya na nasasangkot sa kwestyunableng Meralco power supply agreements.
Ayon kay Zarate, nilalabag ni Devanadera ang Section 7 Rule 3 ng Rules of Procedure ng Office of the Ombudsman dahil nakikita pa rin ang mga commissioners sa mga meetings at hearings ng ERC.
Nakasaad sa utos ng Ombudsman ang agad na implemetasyon ng isang taong suspension at pagsasampa ng kasong kriminal para sa Graft And Corruption Case na kinakaharap nila Commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia magpala-asirit at Geronimo Sta. Ana.
Pero dahil hindi ito agad na sinunod ni Devanadera, nanganganib itong sumaillim sa disciplinary action.
Hinimok naman ni Zarate ang Ombudsman na istriktong ipatupad ang parusa at huwag hayaang palusutin ang ginawag pagbalewala ni Devanadera sa nasabing kautusan.