Manila, Philippines – Binalaan ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga kasapi ng pwersa ng pamahalaan na posibleng mangyari sa kanila ang sinapit ni retired Major General Jovito Palparan kapag umabuso sila sa kapangyarihan.
Pahayag ito Trillanes makaraang hatulan ng korte na guilty si Palparan dahil sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.
Paalala ni Trillanes, binigyan ng kapangyarihan ang mga sundalo at pulis para proteksyunan ang mamamayan at habulin ang mga kalaban ng bansa.
Diin ni Trillanes, anumang paglabag na gagawin nila ay kanilang pagbabayaran dahil mawawala din sa pwesto ang mga nag-utos sa kanila at hindi na sila mabibigyan ng proteksyon.
Facebook Comments