Manila, Philippines – Nagbabala si Quezon City Rep. Kit Belmonte na magkaroon ng precedent ang hakbang ni Pangulong Duterte sa ginawang pagbawi sa amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay bunsod na rin ng balak na pag-re-review sa ibang mga nabigyan ng amnestiya na kasabay ni Trillanes.
Ayon kay Belmonte na dating abogado ng mga Magdalo mutineers, posible na rin aniyang gawin ang pag-revoke sa amnesty ng ibang mga dating sundalo na naglilingkod ngayon sa pamahalaan.
Aniya, sakaling hindi makuntento ang Pangulo ay posibleng gamitin na batayan ang Proclamation number 572 na inisyu ni Duterte para tanggalan ng amnestiya at ipakulong ang mga coup plotters ng 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sinabi ni Belmonte na may 19 na opisyal at 20 enlisted personnel ang nag-apply ng amnestiya na inaprubahan ng Department of National Defense.
Mayroon namang 192 AFP personnel ang nabigyan din ng amnestiya.
Kabilang naman sa mga nabigyan ng amnestiya na opisyal ng gobyerno ngayon ay sina MMDA Chairman Danilo Lim, Civil Defense Deputy Administrator Nicanor Faeldon at NFA Administrator Jason Aquino.
Si Belmonte ay dating abogado ng Magdalo party na kasamang naaresto ng anim na junior officers na kabilang sa destabilization plot laban kay Arroyo.