Manila, Philippines – Nagbabala si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga naging kasamahan noon ni Senador Antonio Trillanes sa kasong rebelyon, sedition at kudeta.
Kasunod ito ng panawagan ng ilang mambabatas mula sa oposisyon na itigil na ng Department of Justice ang pagbuhay sa kaso laban kay Trillanes matapos silang mabigong ipa-aresto ang Senador.
Ayon kay Guevarra, wala sa Makati RTC Branch 148 ang pinal sa pasya sa nasabing usapin dahil maaaring iba rin ang naging pananaw ng ibang hukom sa kaparehong ebidensyang iprinisenta sa sala ni Judge Andres Soriano, at sa naging utos ng Makati Branch Branch 150.
Una nang nagbabala si Caloocan Congressman Edgar Erice na ang pagbuhay sa kaso ni Trillanes ay magdudulot ng political division sa nalalapit na halalan.
Nagbabala naman si Magdalo Rep. Gary Alejano na hindi siya mapapatahimik ng administrasyon para labanan ang nakikita niyang mga pag-abuso raw ng kasalukuyang administrasyon.