BINALAAN | Mahigit 5,000 indibidwal, nasa pitong Evacuation center, mga lugar sa Pasig, hindi pa rin madadaanan ng sasakyan

24

Binalaan ng Eastern Police District ang mga motorista na maraming lugar pa rin sa Lungsod ng Pasig ang hindi maaaring daanan ng mga sasakyan gaya nalamang sa Concepcion dulo Brgy. Santolan Pasig City na hanggang tuhod ang tubig baha, ganundin sa Washington st. Cor Soliven Manggahan,Kalusugan St brgy Dela Paz ,West bank, Rosario, at Daba st., Rosario, Pasig .City na hanggang tuhod ang tubig baha kaya hindi maaaring daanan ng mga maliliit na sasakyan.

Samantala sa mga Evacuation Center gaya ng Ilaya Coverd Court Santolan Pasig City ay mayroon 653 pamilya o katumbas ng 3,075 indibidwal, Santolan elem. school ay 246 pamilya o 1,102 indibidwal, brgy Manggahan Covered Court ay mayroong 35 pamilya o katumbas ng 135 indibidwal Karangalan park dela paz ay mayroon 8 pamilya o katumbas ng 48 indibidwal ,Rosario Elem. School ay mayroong 81pamilya o katumabas ng 348 indibidwal, Estela maris covered court, Maybunga, Pasig City na mayroong 117 pamilya o katumbas ng 531indibidwal at Sta Lucia Bliss Sta Lucia na mayroong 15 pamilya o katumbas ng 79 indibidwal na pumapalo sa 1,155 pamilya o katumbas ng 5,518 indibidwal.

Pinayuhan ng Pasig PNP ang mga residente na maging alerto sa anumang oras at lumikas na sa mga nakatira sa tabing ilog upang maiwasan ang anumang sakuna o disgrasya.

Facebook Comments