BINALAAN | Mga establisyimentong magmamanipula ng presyo ng mga pangunahing bilihin, papatawan ng mabigat na multa – DTI

Manila, Philippines – Nagbabala ang Dept. of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng establisyimento na aabot hanggang isang milyong piso ang ipapataw na administrative fine kapag ilegal na minanipula ang presyo ng mga produkto kahit mayroon itong itinakdang Suggested Retail Price (SRP).

Pinalakas ng DTI ang price monitoring nito kasunod na rin ng direktiba ni pangulong rodrigo duterte na tiyaking nasusundan ang SRP para sa basic necessities at prime commodities.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – ang mga establisyimento na magsasagawa ng price manipulation lalong-lalo na ng profiteering ay mahaharap sa criminial liabilities at penalties.


Sa ngayon, tiniyak ng ahensya na nananatiling matatag ang presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments