BINALAAN | Mga Pinoy sa Amerika, pinag-iingat ng DFA dahil sa naganap na panibagong terror attack

Amerika – Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa United States of America na maging mapagmatyag at umiwas muna sa mga matataong lugar.

Ito ay kasunod na rin ng nangyaring panibagong terror attack sa Estados Unidos kung saan isang pagsabog ang naganap sa isa sa mga major transportation hub sa New York at 4 ang naitalang sugatan.

Kinumpirma naman ni Consul General Maria Teresa Dizon De Vega na walang Pinoy ang nadamay.


Sa inisyal na impormasyon, hindi matagumpay na napasabog ng suspek ang isang pipe bomb.

Hawak na rin ngayon ng mga otoridad ang nasabing suspek na nagtataglay ng isa pang pampasabog.

Sa datos ng DFA, mayroong 56,100 na mga Filipino ang nasa Amerika.

Facebook Comments