BINALAAN | Mga pulis na naka-duty at naka-uniporme na umiinum sa kapistahan ng Sto. Nino ngayong araw, mahigpit na pinagbabawalan ng MPD

Manila, Philippines – Mahigpit na nagbabala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga pulis sa kapistahan ngayon ng Sto. Nino at umiinum ng alak habang naka-duty ay mayroong kaakibat na parusang ipapataw sa kanila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, nagpalabas na ng direktiba si MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel na mahigpit na ipinagbabawal nito ang mga pulis na nakauniporme at naka-duty na umiinum ng alak sa kapistahan ngayon ng Sto. Nino dahil tinitiyak nito na kasong administratibo ang kanilang kahaharapin.

Paliwanag ni Margarejo, simula kahapon ay ipinatutupad na ang liquor ban sa Tondo area lamang kung saan ay isang libong pulis ang kanilang ipakakalat sa lugar upang matiyak na walang mangyayaring kaguluhan sa kapistahan.


Giit ng opisyal, mayroon siyang nababalitaan na mga pulis na umiinum ngayon sa kapistahan ng Sto. Nino, binalaan ni Margarejo ang mga pulis na huwag lamang silang magpapahuli dahil tiyak aniya ay may paglalagyan sila kapag nahulihan na umiinum na nakalalasing na inumin habang sila ay naka-duty.

Facebook Comments