BINALAAN | Mga pulitikong mananakot ng mga botante, pananagutin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tumatakbo para sa halalan sa susunod na taon na huwag na huwag takutin ang mga botante.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang sisinuhin at pananagutin ang mga pulitiko kakampi man o kalaban ang mga ito sa pulitika kung mahuhuli o malalaman na nanindak o nanakot sa mga botante.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na dapat ay hayaan ang mga botante na pumili ng kanilang gustong iboto sa halalan.


Pinaalalahanan din naman ni Pangulong Duterte ang mga nasa unipormadong hanay na huwag kumampi sa mga pulitiko at dapat manatiling neutral sa pagganap sa kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayan.
hindi aniya dapat makialam ang mga Sundalo at Pulis sa pulitika bilang pagsundo narin aniya sa mga nakasaad sa saligang batas.

Facebook Comments