Manila, Philippines – Babantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galaw ng mga nanalong barangay officials na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi garantiya ang kanilang pagkapanalo sa katatapos na Barangay at SK elections at lalong hindi maaring gawing pananggalang ang kanilang mga posisyon.
Banta ng Pangulo, hindi niya hahayaan na mapariwara ang bansa dahil sa iligal na droga.
Matatandaang dalawang beses na ipinagpaliban ng Pangulo ang Barangay elections dahil sa pangambang magamit ang pera mula sa iligal na droga at maluklok sa pwesto ang mga sangkot sa iligal na droga.
Facebook Comments