BINALAAN | PRRD, bubuksan ang mga bodega ng bigas kung hindi ilalabas ng mga traders ang kanilang supply sa merkado

Manila, Philippines – Binalaan ng Palasyo ng Malacañang ang mga rice trader na gagamitin ng Pamahalaan ang buong puwersa nito para mahuli ang mga rice hoarders.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isa ito sa mga natalakay sa naganap na cabinet meeting kagabi sa Malacañang.
Alam na mismo ni Pangulong Duterte kung sino ang mga rice traders na nagiipit ng bigas para mapataas ang presyo nito sa merkado.

Sinabi din ni roque na maging ang mga warehouse na pinagtataguan ng mga bigas ay alam narin ni Pangulong Duterte kaya babala ng Pangulo na ipapasalakay ang mga ito kung patuloy na magmamatigas ang mga ito na hindi ilabas sa merkado ang mga bigas.


Facebook Comments