BINALONAN, ISANG LINGGONG WALANG NAITALANG KASO NG COVID-19

Walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Binalonan sa loob ng isang linggo, ayon sa lokal na pamahalaan.

Nasa 599 na ang kabuuang kaso ng nakakahawang sakit dito kung saan 548 ang gumaling, 48 ang nasawi at tatlo ang nanatiling aktibo.

Nagpasalamat naman ang Alkalde ng bayan sa mga residente dito dahil sa patuloy na pagsunod sa health protocols.


Samantala, Ang Pangasinan ay mayroong 303 aktibong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 28 aktibong kaso kahapon.###

Facebook Comments