BINANATAN | Dating CJ Sereno, pumalag sa pahayag ng Pangulong Duterte na poprotektahan siya ng China

65

Manila, Philippines – Binanatan ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na hindi siya hahayaan ng Tsina na maalis sa puwesto.

Ayon kay Sereno, dapat nasa bansa ang accountability ni Duterte at hindi sa bansang China.

Maliban rito, pinuna rin ni Sereno ang giyera kontra droga at pagiging malapit ng gobyerno sa Tsina.

Inihalintulad din ni Sereno sa martial law ang kasalukuyang estado ng bansa.

Giit pa ni Sereno, matagal siyang nanahimik pero panahon na para labanan ang isang bully.

Facebook Comments