BINANATAN | Grupong AGAP, binatikos ng isang mambabatas dahil sa pagpuna sa planong tanggalan ng taripa ang karne at isda

Manila, Philippines – Binanatan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang grupong Agricultural Sector of Alliance of the Philippines o AGAP sa pagpuna ng mga ito sa plano ng mambabatas na alisan ng Taripa ang Fishery at Agricultural Products sa bansa.

Sa ginanap na forum sa manila sinabi ni Rep. Salceda na noong hindi pa binabalangkas ang naturang panukalang batas ay hindi sila kumikilos para mapataas ang pagproduce ng Agriculture at Fishery products.

Ngayon planong tanggalin ang Taripa ng karne at isda saka sila pumapalag gayung hindi naman dapat nababahala ang mga mangingisda at magsasaka na kapag tinanggal umano ang Taripa sa Fishery at Agricultural products ay walang mangyayari o hindi magkakaroon ng Food Shortage sa bansa sa halip makikinabang pa dito ang mga mahihirap na mamimili.


Pinuna rin ni Salceda si dating AGAP Partylist Rep.Nick Briones na pinoprotektahan lamang umano nito ang kanyang negosyo kaya naman ang presyo ng karne ay patuloy sa pagtaas sa Merkado.

Giit ni Salceda na layun ng pagtanggal ng Taripa ay upang maprotektahan ang mga Agricultural at Fishery products sa bansa.

Facebook Comments