BINANATAN | Mga pulis na nagbabantay sa Okada Manila, nakatikim ng patutsada mula sa Pangulo

299

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nagbabantay sa Okada Manila.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Cavite gateway terminal sa Tanza, Cavite iginiit ng Pangulo na marami na siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa Okada kung saan mga pulis ang sangkot sa ilang krimen.

Aniya, hindi dapat nakikita sa mga casino ang mga tagapagpatupad ng batas.

Kapag nakita aniya siya ng mga pulis sa Okada ay sasagasaan niya ang mga ito at ayaw niyang may nakabantay na police car sa lugar.

Babala pa ng Pangulo, sisibakin niya sa serbisyo ang mga pulis na hindi susunod sa kanyang utos at magpapadala siya ng tropa ng Philippine Army para magbantay sa lugar kapag hindi nagpaawat ang mga ito.

Facebook Comments