BINANATAN | P-Duterte, nanawagan sa LP na isantabi ang pamumulitika

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Liberal Party na isantabi ang pulitika.

Ito ay matapos siyang punahin ni dating pangulo Noynoy Aquino at Vice President Leni Robredo tungkol sa kanyang pahayag na: ‘your concern is human rights, mine is human lives’.

Ayon kay Duterte, itigil na ng mga ‘Dilawan’ ang pamumulitika.


Aniya, matagal nang nalusaw ang mga ‘Dilawan’.

Binanatan din ng Pangulo si Robredo na isang pinakamataas na elected official ng LP, sinabi ni Duterte na kung kaya bang gawin ni Robredo ang pagwasak sa mga smuggled na sasakyan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng pagsira sa mga illegally imported vehicles sa Santa Ana, Cagayan.

Facebook Comments