Nagpintig ang tenga at maagang nag-init ang ulo ng mga jeepney driver ng Pasig City matapos marinig ang pahayag ni DOTr Assistant Secretary Mark De Leon.
Sinabi kasi nito na hindi dapat gawing hanap buhay ang pamamasada ng jeep.
Ayon kay Mark Sanchez na bumabyahe sa Pasig, nakapagtapos sa pag-aaral ang mga anak at may napapakain sila sa pamilya mula sa pamamasada.
Sinuong nila sa loob ng 20 taon ang mausok at delikadong kalsada kumpara kay Assistant Secretary De Leon na naka aircon at walang alam sa buhay ng driver.
Dagdag pa nito, tapos na niyang bayaran ang hulugang jeepney at sa ngayon ayaw na niyang muling mabaon sa utang para sa jeepney modernization program ng gobyerno.
Facebook Comments