Manila, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sa kaniyang talumpati sa Philippine Councilors League sa Iloilo, iginiit ng Pangulo na madaming kaso sa Disbursement Acceleration Program o DAP ang hindi ginalaw ng Ombudsman.
Muli namang nilinaw ng Pangulo na walang kinalaman ang kaniyang administrasyon sa pagpatay sa mga pari.
Sabi pa ni Duterte, may hawak na siyang mga ebidensya na makakapagpatunay na may ibang motibo sa pagkamatay ng mga pari.
Giit pa ng Pangulo, nakahanda siyang isapubliko ang kaniyang bank account pero sa kondisyong hindi ang kaniyang kritiko ang manghihingi nito.
Facebook Comments