Binansagang ‘Drug Queen,’ pinangalanan na!

Pinangalanan na ang tinaguriang “Drug Queen” na kasabwat ng mga Ninja Cops na nagre-recycle ng ilegal na droga.

Ayon kay Manila Police District Director, P/Col. Vicente Danao Jr., ang Drug Queen na nagngangalang Guia Gomez Castro ay isang Barangay Chairwoman sa Barangay 484, Zone 48.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major Gen. Guillermo Eleazar, nasa 16 na Ninja Cop ang konektado sa operasyon ng Drug Queen pero wala na sa serbisyo ang mga ito.


Sa ngayon, nagtatago sa ibang bansa ang binansagang Drug Queen.

Facebook Comments