Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang bumibisita sa bansa na sundin at irespeto ang mga batas ng Pilipinas.
Banta ito ng B-I matapos pagbawalang makapasok ng bansa ang 74 na dayuhan dahil sa kanilang kalapastangang pag-uugali.
Ayon kay B-I Commissioner Jaime Morente – ang pagpasok at pananatili ng mga dayuhan sa bansa ay isa lamang pribilehiyo kaya matuto silang gumalang sa mga immigration officers sa sandaling makatapak ng bansa.
Mahipit aniya ang kanilang polisiya na hindi papapasukin sa bansa ang mga foreigner na binabastos ang ating mga kinauukulan.
Bukod sa 74 na dayuhan, ilang banyaga rin ang inilagay sa blacklist.
Facebook Comments